"Uy, bakit wala ka pang boyfriend?"
"Siguro choosy ka?!"
"Ano ba kasi ang inaantay mo, nandyan na si (insert name here) nagpapakipot ka pa!"
Yang mga yan ang madalas na marinig ng isang babae na wala pang nagiging nobyo. Mga salita na sawang sawa na silang mapakinggan.
Yan ang mga naririnig na salita ng mga babaeng NBSB o No Boyfriend Since Birth.
lahat naman tayo dito eh nagdadaan sa ganitong stage. Ang catch dito eh, kung sino yung nahuhuli magka bf. Hindi ko minamaliit ang ibang babae ah. Dahil ako mismo ay isang example ng babaeng matagal na nag antay ng taong magmamahal sa kaniya.
Ang pagiging NBSB ay nangyayari sa 2 malaking dahilan. 1. Dahil choice ni girl na huwag muna mag boyfriend. 2. Ready ka na nga, kaso wala naman magkagusto sa'yo.
isa isahin natin ito
1. Dahil choice ni girl na huwag muna mag boyfriend.- Ito yung dahilan ng lahat ng mga babae. Kapag nasa elementary or high school ka, malaki ang impluwensya ng iyong mga magulang sa mga plano mo sa buhay. Pero habang nagkakaisip ka, nagdadaan tayo sa puberty stage, ang ating mga desisyon ay padalos dalos. Kaya kapag may manligaw lang, nagkakaroon ng dillema ang babae
"Dapat ba bigyan ko ng chance si (insert name here)? Nanliligaw kasi siya sa akin."
"kapag pinayagan ko siyang manligaw, magiging kami rin siguro..tapos kapag nalaman ni mommy, magagalit sila"
"Ayoko, mag aaral na lang ako. Ayoko masira pangako ko kay mommy"
"Kaso, paano kapag siya na lang ang huling manligaw sa akin?"
(yan, ganyan ako mag isip dati)
ganyan ang nangyayari sa isip ng babae. Nag kakaroon ng kung ano anong tanong... pero kapag inatake naman ng pagiging mapusok.
"Ay nako, bahala na, sige, puppy love lang naman to eh"
Doon na nagsisimula na tumanggap ang babae ng manlilgaw at susubukan na niya ang mundo ng pakikipag relasyon.
Hindi na siya NBSB.
Pero merong mga babae na matibay ang paninindigan at pinanghahawakan nila ang desisyon na hindi muna mag boyfriend.. Ako, ganun ako.
Anak kasi ako sa pagka dalaga ng nanay ko. Hindi ko kilala ang biological father ko kaya laki sa lola ako. Maaga nabunti ang mga pinsan ko at nakita ko kung paano ang buhay nila na may anak sa murang edad. Doon ko naisip na wag mag boyfriend at mag aral.
Suwerte naman ako dahil ang mga kaibigan ko, habang nag aaral kami ay NBSB pa rin. Masaya ako na hindi ko naramdaman ang pressure ng pagkakaroon ng boyfriend noon dahil masaya ako kasama sila, (sa ngayon, isa na lang sa amin ang NBSB at sigurado ako na swerte ang lalaking mamahalin niya)
2.Ready ka na nga, kaso wala naman magkagusto sa'yo.
Napagdaanan ko rin yan. Siyempre, tapos na ng college at may trabaho na ako. Yun ang mga panahon na halos lahat ng ka batch mo sa HS ay may naging boyfriend na. Ang masaklap lang nito eh wala pa ako. As in WALA..BOKYA...ZERO.
Hindi naman ako panget. kita mo naman diba. Kaso sa ugali ko kasi, hindi ako nakikipag usap masyado sa lalaki.Sadyang walang lalaki lang talaga nagkakagusto sa akin.
"Bakit walang magkagusto sa akin? Hindi naman ako panget. Matalino naman ako?"
Yan ang favorite line ko simula highschool hanggang sa nagsawa na lang ako..kasi nawalan na ako ng hope.
Pero sa totoo lang, ang pagiging NBSB, may magandang epekto rin yan sa tao.
1. Mas magagawa mo ang mga gusto mong gawin
2. Madami kang madidiskubre sa sarili mo dahil nagkaka isip ka(nag mamature ka) habang minamahal mo ang sarili mo.
3. May oras ka- Oras sa lahat ng gusto mong gawin: mag travel, sa bagong hobby, sa pamilya mo, sa sarili mo. LAHAT!
Kaya wag kayong malungkot kung NBSB kayo. Cliche man sabihin, pero totoo to.
May taong nakalaan para sa iyo. Walang masamang mag antay kung ang darating naman ay bongga!
Hanggang sa muli!
un abrazo
chau!